Ginang na dumulog sa Tulfo in Action para sa anak, tinarayan umano ng mga staff


Photo courtesy of Facebook/Janine Duhapa Dy



‘Wala nang mas sasakit pa bilang ina na makitang nakikipaglaban ang anak mo sa malubahang karadaman na dinadanas nya ngayon,’ ayon sa post ng isang ina sa Facebook.

Isang ginang ang lumapit sa himpilan ng Raffy Tulfo in Action upang humingi nga tulong para sa kanyang anak na may malubhang sakit na TB Miningitis stage 3.

Ayon kay Janine Duhapa Dy, hindi na nila kayang tustusan ang pangmatagalan na gamutan at gatas ng kanilang anak. Dahil sa muling pagbalik ng sakit nito kaya’t balik na naman sila sa umpisang gamutan.



Huli na nang malaman ni Janine at ng kanyang mister ang tunay na karamdaman ng kanilang anak.

Muli silang bumalik sa ospital dahil sa pagbalik ng malubhang sakit ng kanilang anak  Ayon sa mga doktor, ay kailangang mailipat ito sa mas maayos ng kwarto upang mapabilis ang pagrecover ng kanyang anak.

Kailangan ding masustine ang gatas nito dahil ito ang nagsisilbing pagkain ng bata habang nakatubo pa ito at hindi pa pwedeng makakain sa pamamagitan ng kanyang bibig.

Kaya naman naisipan ng ginang na humingi ng tulong kay sir Raffy Tulfo dahil alam nyang mabait at mapagkawang-gawa ito lalo na sa mga batang may malubhang sakit.

Ngunit taliwas ito sa kanilang inaasahan. Ayon sa ginang ilang araw silang pumila at umaasang makakahingi sila ng tulong dahil alam nilang marami nang natulungan ang programa ni sir Raffy Tulfo.


Ngunit laking dismaya ni Janine sa naging aksyon ng mga staff ni sir Raffy sa kanya. Narito ang pahayag ng ginang:

Post ko narin po to alam ko pong maraming magulang din po ang mag rereact dto sa mga nagpunta sa station ni sir raffy tulfo na hindi man lang pinansin ung hinihinge mong tulong para sa anak mong may malubhang sakit

Dahil sa masusungit na staff na nag iinterview.. imbes maintindihan ka nila dahil nanay din naman sila and kahit umiyak ka sa harap nila wala silang pakialam sayo.

Nakakapanlumo sa tatlong araw na pinila mo papel ibibigay sayo, Agarang aksyon po ung problema ko tapos papel po panibagong lalakarin na naman po ulit. e ubos na po budget nmin kakabalik balik.

JANUARY 22 lang po ako galing jan ang gusto q lang po malipat ng maayos na higaan ung anak ko ung private room para po mabilis po ang pagrecover nia..at un nga po ang GATAS Niya na importante.

ANG sagot po sakin ng staff nyo “MOMMY WALA KAMING OSPITAL PARA SA ANAK NYO AT WALA RIN KAMING BUDGET PARA SA GATAS NG ANAK NYO.”

Diba kaya nga po huminge ng tulong yan lang pla sasabihin sayo. papel referal walang wala na rin po kami.

 kaya nga po lumapit sainyo dahil PRIOTY ni sir raffy ung mga batang may malubhang sakit binaliwala lang ng mga staff nyo kahit ung mga guard pilit na papalabasin kana agad kahit gusto mo pang lumapit magtanong sa iba. pa share po para makarating kay sir raffy..

“PASENSYA NA PO SIR LUMAPIT PO AKO SA INYO DHIL KAYO NLNG PO ANG TANGING PAG ASA NAMIN NA MALAPITAN NG TULONG pero ganun po ang naranasan namin sa staff niyo.
GUSTO KO LANG PO MANAWAGAN SA MAY MGA MABUBUTING PUSO…

para matulungan po kame sa pagpapagamot ng anak ko. Gusto ko lang naman po madugtungan yung buhay ng anak ko halos magdadalawang buwan napo siyang nakaconfine sa ospital at ngayon po gsto nilang butasan sa leeg kaya po kme lumapit na sa inyo,



Hindi napo kase namin alam kung ano pa ang susunod na mangyayare pag ginawa po nila yun sa anak ko. Yun lang naman po ang gusto ko,

Gusto ko pa pong madugtungan ang buhay ng anak ko magulang po ako nahihirapan din po ako pag nakikita ko yung anak kong nahihirapan kaya po lumalapit po ako sa inyo sana po maunawaan niyo po ako.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of jerminix.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Be the first to comment on "Ginang na dumulog sa Tulfo in Action para sa anak, tinarayan umano ng mga staff"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*