Love Letter ng Grade 4 Student, Viral!: Binasted ang Batang Manliligaw Dahil Hindi Kumakain ng Gulay!

  • Sumo
Danica’s love letter | Photo credit to the owner

Viral ngayon sa social media ang isang love letter ng isang batang babae at grade 4 student ng Cristo Elementary School sa Donsol, Sorsogon, dahil sa sadyang nakakatuwa at kakaibang nilalaman ng liham na ito.


Ang liham ay galing sa isang batang babae na si Danica at isinulat niya ito para sa kanyang manliligaw na batang lalaki na ang pangalan ay Eman.

Sa liham, humingi ng tawad si Danica kay Eman dahil hindi na siya diumano ‘crush’ nito dahil iba na raw ang nararamdaman ng bata niyang puso.

Ayon kay Danica ang nararamdaman na daw ng puso niya ay para sa ibang bata na nagngangalang Inoy.

At ang dahilan ng pang-babasted ni Danica kay Eman ay ang pagiging payat nito kasi daw ay hindi ito kumakain ng gulay.

Danica’s love letter | Photo credit to the owner 

Basahin ang nakakatuwang love letter ng batang si Danica:

Danica’s love letter | Photo credit to the owner

“Dear Eman,

Sorry Eman hindi kita crush Eman kasi may iba na akong nararamdaman at hindi ikaw ang para sa puso ko Eman ang nararamdaman ng puso ko ay si Inoy siya ang nararamdaman ng puso ko at hindi ikaw kasi ang payat mo at hindi ka kumakain ng gulay pero sorry talaga Eman?”
Isang guro at Facebook user na nagngangalang Rossane Cadag Badrina ang nagbahagi ng larawan ng liham na mabilis na nag-trending online at umani ng ibat-ibang reaksyon at komento sa mga netizens.


Screenshot of Netizens’ comments |  Credit to Rossane Cadag Badrina’s Facebook

Screenshot of Netizens’ comments |  Credit to Rossane Cadag Badrina’s Facebook

SourceRossane Cadag Badrina DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of jerminix.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Be the first to comment on "Love Letter ng Grade 4 Student, Viral!: Binasted ang Batang Manliligaw Dahil Hindi Kumakain ng Gulay!"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*


x

Featuring Recent Posts WordPress Widget development by YD