Horn snail o “Bagongon” ay posibleng gamot sa malalang sakit, ayon sa UP students

  • Sumo



Larawan ng horn snail o Bagongon

Nadiskubre ng mga researcher ng University of the Philippines kamakailan lang na ang horn snails o tinatawag na bagongon ay nag tataglay ng anti-cancer treatment.

Ayon sa kanilang pag sasaliksik, may mga katas ang sungay ng snails o ang tinatawag na Telescopium Telescopium ay may kakayahan na pigilan ang paglaki ng mga bagong blood vessel na pumasok sa katawan na kinakailangan naman ng mga tumor para lumaki ito.

“By preventing this process to occur, canc3r cells are starved and do not grow and spread,” ayon sa pag aaral na inilathala ng Acta Medica Philippina noong 2019.



“This study evaluated the potential antiangiogenic activity of Telescopium telescopium or locally known as Bagongon. It is highly abundant in the country and consumed as food by the locals,” ayon pa sa pananaliksik

Sinasabi rin na ang anti- angiogenic ay isa sa pinakamabisa at mabuting gamot para sa cncer dahil ito ay nakakatulong sa pagpigil sa pagkalat at paglaki ng mga bad cells.

Ang isang malignant na tumor umano ay mayroong angiogenesis kung saan nabubuo ang mga bagong blood vessels sa ating katawan.

Binibigyang pansing sa naturang pag aaral ang pagpapatigil na lumaki at dumami ang mga masasamang cells dahil sa bioactive compounds na taglay ng horn snails.*

Larawan mula sa ABS CBN


Sinubukan din umano ng mga mananaliksik na i-test ang epekto ng antiangiogenic mula sa snail sa isang fertilized duck egg kung saan madaling ma oobserbahan ang pagkalat at pagdami ng mga blood vessel.

Matapos na gamitin ang katas ng Telecopium telescopium, ang sukat at haba ng mga blood vessel ay unti-unting nabawasan.



“Based on the results, after treatment with a certain concentration of Telescopium telescopium extract, blood vessel size and length were reduced at a significant level. Growth of new blood vessels was inhibited, thus also inhibiting angiogenesis,” ayon pa sa Office of the Vice President for Academic Affairs ng UP.

Larawan mula sa MSN

Ayon naman kay Sharmine Kae Po, isa sa mananaliksik,  ang pag aaral na kanilang ginawa ay isa lamang sa paraan na kanilang kailangan gawin para makahanap ng lunas sa naturang sakit gamit ang katas ng horn snails. 

“The studies and trial are needed in order for a cure to be made available to the public.” Ayon pa kay Po.
Ang Pilipinas ay isa sa bansang sagana sa horn snails o suso na kalimitan ay handa sa hapag ng mga Pilipino.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of jerminix.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Be the first to comment on "Horn snail o “Bagongon” ay posibleng gamot sa malalang sakit, ayon sa UP students"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*


x

Featuring Recent Posts WordPress Widget development by YD