Batang nagbebenta ng bulaklak, sa overpass gumagawa ng assignment

  • Sumo

Sa panahon ngayon kung saan marami sa mga kabataan ang hindi binibigyan ng sapat na halaga ang pag-aaral, isang batang hikahos ang namataang gagawin ang lahat maipagpatuloy lamang ang pag-aaral.

Lumutang sa social media ang mga larawan ng isang bata na nagsusumikap makapag-aral sa kabila ng labis na kahirapan.

Base sa larawan na in-upload ni Aaron Joseph Yulde, makikita ang bata na nakaupo sa overpass habang matyagang ginagawa ang tila assignment o gawaing bahay nito.

Kaharap ng bata ay ang kanyang mga nakalatag na bulaklak na binibenta.



Sa pagtingin pa lang sa mga larawan ng nakakaawa ngunit nakabibilib na musmos, malalaman agad na ang pagtitinda ng mga bulaklak ang tanging paraan ng bata upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral.

Dahil sa sipag at tyaga para maabot ang kanyang mga pangarap, hindi  kagulat-gulat na umani ng papuri mula sa mga netizen ang chikiting.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na talaga namang mahirap pagsabayin ang pag-aaral at trabaho lalo na sa murang edad ng batang ito na napaka-pursigido sa buhay

Trending ang nasabing Facebook post na ngayon ay may 5.7k shares na.

Source: Luluboy TV DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of jerminix.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Be the first to comment on "Batang nagbebenta ng bulaklak, sa overpass gumagawa ng assignment"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*


x

Featuring Recent Posts WordPress Widget development by YD