Aroganteng Home Owner,Galit at Nagwala dahil Siningil ng mga Gwardya ang Bisita niya ng Php 50!

  • Sumo
Screenshot of the home owner’s rage | Credit to Philippine Current Events Facebook page

Isang aroganteng home owner ng isang subdivision ang galit na galit na nagwala at pinagmumura ang mga security guards dahil siningil diumano ng mga ito ang kaniyang bisita ng Php 50.00 ng pumunta ang huli sa loob ng kanilang subdivision.

Ayon sa security guard na kumukuha ng video, wala daw sticker ang kotse ng bisita kaya siningil ito, isang patakaran sa kanilang lugar, dahilan upang sundin lamang nila at gampanan ang kanilang trabaho.

Screenshot of the home owner’s rage | Credit to Philippine Current Events Facebook page

Screenshot of the home owner’s rage | Credit to Philippine Current Events Facebook page

Makikita sa nasabing video na hindi matanggap ng home owner ang ginawang aksyon ng mga security guards dahilan upang ipakita pa niya ang mga papeles na nagpapatunay na isa siyang home owner doon na nagbabayad ng milyones para sa kanilang ‘right of way’.
Sa galit ay pinagmumura at nilait-lait nito ang mga security guards dahil ayaw daw papasukin ang kanyang bisita at kinailangan pang magbayad.

Manaka ay hinamon pa ng aroganteng lalake ang isa sa mga guards na ilabas ang baril nito at nagbanta ng masama sa mga pobreng guwardya.

Sa huli, sinabi na lamang ng security guard na siyang kumukuha ng video, na sa Tulfo na lang sila magkikita-kita.

Ang video na inupload sa Facebook ng Philippine Current Events page ay sadyang nagvi-viral ngayon sa social media at kasalukuyang umaani ng ibat-ibang reaksyon sa mga netizens, galit sa lalakeng arogante at awa at paghanga sa security guards sa pananatiling kalmado sa sitwasyong iyon.

Narito ang ibang reaksyon ng mga netizens:

Netizens’ comments | Photo credit to Philippine Current Events Facebook page

Netizens’ comments | Photo credit to Philippine Current Events Facebook page

To watch the full viral video, Please click this Link.

SourcePhilippine Current Events DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of jerminix.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Be the first to comment on "Aroganteng Home Owner,Galit at Nagwala dahil Siningil ng mga Gwardya ang Bisita niya ng Php 50!"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*


x

Featuring Recent Posts WordPress Widget development by YD