81-years old na dating CEO, nagtatrabaho ngayon bilang isang retail assistant

  • Sumo
Nag-viral ang Facebook post ng isang netizen mula sa bansang Thailand noong siya ay nagpunta sa isang shopping mall. Hindi inaasahan ni Palakorn Tesnam na ang 81-years old retail assistant ang magbibigay sa kanya ng mga payo sa buhay.
Uncle Pracha at Palakorn Tesnam / Imahe mula sa Facebook account ni Tesnam
Ayon kay Tesnam, isang matanda umano ang nagtanong sa kanya kung kailangan niya ng shopping cart. 
Tinawag ni Tesnam na uncle Pracha ang matanda sa kanyang post at ikinuwento ang kanilang mga napag-usapan habang siya ay namimili.
Kwento ni Tesnam, si uncle Pracha ay 81-years old na at nagtratrabaho mula 9am hanggang 7pm bilang isang retail assistant sa isang mall.
Sa kanilang kwentuhan, nabanggit ni uncle Pracha na meron siyang isang kompanya noon at mayroong halos 200 na empleyado. Dagdag nito, wala umano siyang totoong kaibigan kaya nang bumagsak ang kanyang kompanya ay iniwan siya ng kanyang mga inakalang kaibigan.
Sa ngayon, bukod sa pagiging retail assistant, nakagawian na umano ni uncle Pracha na makipagkwentuhan at makinig sa mga kwento ng kanyang customers.
Binigyan rin niya ng magandang payo si Tesnam.
Don’t drink alcohol, don’t smoke… Don’t be stressed, know how to let go.
Narito ang mga larawang in-upload ni Tesnam:

***
Source: Mothership

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of jerminix.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Be the first to comment on "81-years old na dating CEO, nagtatrabaho ngayon bilang isang retail assistant"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*


x

Featuring Recent Posts WordPress Widget development by YD