Yorme is in the house! Binatang naka-Tuxedo, kinagiliwan sa evacuation center

  • Sumo

Hindi lang mga bakwit ang naaliw sa lalaking ito matapos syang magsuot ng Tuxedo na galing sa mga nai-donate sa Taal victims. Ikinatuwa kasi ng mga netizen ang kapilyohan ng binata habang sya ay pabirong umaasta bilang mayor o ‘yorme’ sa isang evacuation center doon.

Sa video na in-upload ni Gillianns Diner, mapapanuod ang pormadong binata kasama ang iba pa na mga naka-long sleeves din na tila mga assistant ng lalaki.

Ayon sa caption ng uploader, ang naturang clip ay ‘Ang panayam kay YORME’.

Makikita sa video na tuwang-tuwa ang mga tao sa paligid habang astang Mayor na pinapaypayan ang binata. Kalaunan ay nag-shades pa ito at inabutan pa ng alcohol pagkatapos makipag-kamay sa kanyang mga kasamahang bakwit.

Panuorin dito:




DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of jerminix.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Be the first to comment on "Yorme is in the house! Binatang naka-Tuxedo, kinagiliwan sa evacuation center"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*


x

Featuring Recent Posts WordPress Widget development by YD