Tulfo, na-bash ng ilang Batangueño dahil sa komento nya sa mga may-ari ng hayop sa Batangas

  • Sumo

Galit na binanatan ng ilang mga taga-Batangas ang isa sa magkakapatid na Tulfo matapos itong magpakawala ng maaanghang na salita laban sa mga may-ari ng hayop sa Batangas na napinsala ng bulkang Taal.

Sa radio program ni Erwin Tulfo, sinabi nya na muntik na syang mapa-iyak nang makita raw nya ang isang post kung saan mapapanuod ang mga kabayong naiwan dahil sa biglaang paglikas ng mga may-ari nito na nakatira malapit sa bulkan.



Dahil dito, biglang nasabi ni Tulfo na “Dyos ko po, maaawa ka. Iniwan ng mga kumag na may-ari! Pinagkakitaan nila nung hindi pa sumabog yang Taal.”

“Tignan mo itsura ng mga kabayo,ayan oh nakatayo na lang oh! Hinang-hina na sa init. Ayan oh, hindi na nagalaw.” dagdag pa nya.

Ngunit ang tila pinaka-nagpagalit sa ilang mga Batangueño ay ang sinabi ni Tulfo na, “Ang hindi ko maintindihan yung putragis na may-ari nagsitakbuhan, yung kabayo nila iniwan!”

Narito ang komento ng ilan sa mga banat ni Tulfo:

“kahit delikado May mga bumabalik para sa mga alagang hayop nila ka tulad ni tatay sa video na sumagot sa mga sinabi mo at pagmumura mo sa mga Tao sa taal. Pinagmuka mong ulaga sarili mo!”

“Mag isip isip ka rin Erwin Tulfo sa mga Sasabihin mo!
Kahit Kelan hindi ko Nagustuhan ang Ugali mo!
Isa Kang Epal sa aming mga Taga Batangas!”

“Nagiging abusado na sya sa mga pananalita nya. Mabubuwesit ka talaga .. Sino kaya ang KUMAG?”

Narito naman ang Facebook posts ng mga galit na netizen:




DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of jerminix.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Be the first to comment on "Tulfo, na-bash ng ilang Batangueño dahil sa komento nya sa mga may-ari ng hayop sa Batangas"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*


x

Featuring Recent Posts WordPress Widget development by YD