Hinangaan ng netizens! Simpleng lalaki, namigay ng libreng kape sa Taal victims

  • Sumo

Dinagsa ng tulong ang lalawigan ng Batangas kasunod ng pagputok ng bulkang Taal. Gaya ng inaasahan, bukod sa ayuda na bigay mismo ng gobyerno, karamihan sa mga natanggap na tulong ng mga bakwit ay nanggaling sa mga mayayamang personalidad.

Ngunit isang simpleng lalaki ang pumukaw ng damdamin ng mga netizen.



Nag-trending sa social media ang isang lalaki matapos i-post sa Facebook ng isang Alvin Perez Lavisores ang picture ng naturang lalaki na may busilak na puso.

Sa in-upload na picture, makikita ang lalaki na may kasamang cart na may laman na napakaraming thermos. Sa unahan ng cart ay makikita ang salitang “free coffee”.

Lubos na ikinatuwa ito ng marami dahil kahit hindi ganoon kalaki ang kanyang naibigay, ang mahalaga ay nakuha nyang magbahagi ng kahit kaunti para lamang makatulong sa kapwa.

Ayon pa sa caption ng netizen na nag-upload,

Nakakatuwang isipin na dito sa Batangas kahit di lahat ng tao ay ganun kayaman, Lahat naman ay taos puso kung magtulungan πŸ’ͺ

Ala’y Garine kami sa Batangas eh! 😊πŸ’ͺ

#ProudBatangeΓ±o #PrayforBatangas πŸ™ŒπŸ™ #BangonBatangas #ProudBarako πŸ’ͺπŸ™Œ ctto

Sa kasulukuyan, ang nasabing Facebook post ay umani na ng 7.9k shares.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen:



Source: Alvin Perez Lavisores DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of jerminix.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

Be the first to comment on "Hinangaan ng netizens! Simpleng lalaki, namigay ng libreng kape sa Taal victims"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*


x

Featuring Recent Posts WordPress Widget development by YD