Maine Mendoza nasaktan nang sinuntok ng isang ‘hater’ sa Sugod Bahay ng eat bulaga

  • Sumo

Laking gulat ng mga tao nang may isang fan na sumugod at biglang sinuntok si Maine Mendoza habang naglalakad.

Kuha sa video na ipinost ng Youtube channel na Aldub It na naglalakad si Maine kasama ang staff at bodyguards ng Eat Bulaga para sa segment nilang “Sugod Bahay.” Tulad ng inaasahan ay dinumog ng mga tagahanga ang grupo. Ngunit laking gulat nilang lahat nang may isang fan na biglang sumugod kay Maine at sinuntok ito sa braso. Ayon pa sa mga nakakita ay isang babaeng fan umano ang sumugod.

Kita rin sa isang video ang reaksyon ni Maine. Talaga namang nasaktan siya habang hinahawakan ang brasong nasuntok ng fan. Dali-dali rin ang grupo upang hanapin at hulihin ang babaeng nanuntok.

Umano ito ng reaksyon mula sa netizens. Pati ‘yung mga hindi fans ni Maine ay naawa sa kanya. Ang iba naman ay humiling na sana higpitan ang security sa mga artista.

Maaaring mapanood ang videos mula sa Aldub It Youtube channel at Instagram account ng Mainechardheartforever:
WATCH!
Source: YouTube/aldub

Be the first to comment on "Maine Mendoza nasaktan nang sinuntok ng isang ‘hater’ sa Sugod Bahay ng eat bulaga"

Leave a comment

Your email address will not be published.


*


x

Featuring Recent Posts WordPress Widget development by YD